Hindi ako ipinanganak na duwag na tumatakbo sa laban. Bata pa lang ako tinuruan na ako na mahihina lang ang umaatras. Pero sa pagkakataong ito, tama na muna ang pakikipaglaban ko para sa yo. Tinatanggap ko na ang pagkatalo. Bumababa na kasi ang tingin ko sa sarili ko at yun ay hindi maganda sa aking patuloy na paglago. Hindi na tama ang mga nangyayari. Kinakain na ako ng pagmamahal ko sa yo. Di bale sana kung ibang kainan ang nagaganap pero hindi eh.
Sa loob ng mahigit isang taon ay inayos ko ang sarili ko para maging handa sa pagdating ng taong kagaya mo. Hindi pa man kita nakikilala ay alam kong darating ka. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ang posibilidad na ang taong pinaghahandaan ko ay siya rin tao na sisira sa akin pinaghirapan. Nakakatawa, hindi ba?
Hanggang kailan ba dapat maghintay sa mga bagay na walang kasiguraduhan? Hanggang kailan ba dapat panindigan ang taong walang paninindigan? Hanggang kailan ba dapat pagaksyahan ng panahon ang taong walang panahon para sa yo? Simple lang sana ang sagot sa mga tanong ko kung hindi ako nagmamahal. Ang puso ko kasi ay may pagka-tanga.
Aaminin ko, madalas kong balikan ang mga nangyari sa 'tin pero kahit ilang ulit ko man isipin ay sadyang hindi ko na maintindihan. Pagod na din akong intindihin lahat ng ito kaya titigilan ko na lang. Pipilitin ko nang kalimutan ka. Alam kong hindi ito magiging madali dahil minahal kita pero susubukan ko pa din. Susubukan kong hindi na muling lumingon pa. Susubukan ko mabuhay muli nang wala ka. Sana lang kaya ng marupok kong disposisyon ang desisyon na ito.
Hindi na din ako aasa pa na makikilala ka. At kung sakaling dumating ang mga panahon na maalala mo ako, wag na lang. Hindi mo na ako makikilala - kung ano na lamang ang alam mo na, yun na lang. Ilang beses mo na din naman akong sinabihan na hindi ako ang tamang tao para sa yo, hindi ba? Siguro, kagaya ng paniniwala mo sa tadhanang baluktot, hanggang dito na lang ang lahat ng ito.
Hindi na din ako magpapasalamat sa iyo. Paano ko pasasalamatan ang taong sumira sa akin? Paano ko mapapatawad ang ibang tao kung mismong ang sarili ko ay hindi ko pa makuhang patawarin? Gahasain man ako ng isang batalyon eh hindi nito magbabago ang katotohanang sira na ako muli. Pero okay pa din ang gahasain.
Ngayon, ako naman ang kailangan lumayo para itama ang mga mali. Kailangan kong ayusin muli ang buhay kong sinira mo; ang buhay kong pinayagan kong sirain mo. At dahil dyan ay hindi ko mapatawad ang sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit pumayag ako na may taong magdikta sa aking bawat kilos, galaw at nararamdaman. Minsan kasi talaga may pagkauto-uto ako.
Simula bukas ay magsisimula ako ulit. Susubukan kong muling kompletuhin ang pagkatao ko. Sa mga darating pang mga araw, nais kong mabago ang takbo ng aking kakaibang buhay. Sisimulan ko at babalik ako mula sa bakasyong ito na isang bagong Tristan. Itaga mo yan sa bato.
At kagaya nga ng sabi ng nanay ko, paksyet ka.
Mensahe Mula Sa Manunulat: Alam kong maraming pupuna sa isinulat kong ito. Sana walang humusga sa aking desisyon na isulat ang tunay kong nararamdaman. Kailangan ko ito para makawala na ako sa alaala ng kahapong nagdaan. Sorry naman.

10 stamps:
naku mga tanong ko din yan. but on a different perspective. hayaan mo, darating din ang sagot!
amen
enjoy your vacation Tristan. ang lahat nito'y lilipas din. okay lang na iwagayway mo muna ang bandilang puti!
i can relate!
tristan...shucks, i know how you feel. all the sex in the world cannot mask the pain you feel deep inside.
i like your post, it enlightens me especially when you said: "hanggang kailan matatapos ang paghahanda sa walang kasiguraduhan."
:)
don't be afraid to retreat, tristan, if you think it is the wisest decision.
i'm sure that when all this is over, you will emerge better than ever.
Maraming salamat sa inyong lahat. Para sa inyo, tig-iisang tequila shot ngayong gabi. ;)
Thats what blogging is all about. Your way of sharing, at the same time, your way of venting.
Things will work out in the end. Smile. :D
Hi Tristan. Nothing lasts forever. Even in this world, relationships come and go. Don;t despair. Life has to go on. You have changed for the better, why change for the worse? Just to feel vindicated? For what? You have become a better person in other aspects of your life and it is enough reason to continue your quest for that elusive "love" of your life. Maybe he will come later on, maybe not. But in the process, you know you are becoming the person your mother can be proud of. Why waste your life because of one person? You are worth more than what he thought or did to you. Don't ever give him another reason to justify his own action. Later on, he will realize what he lost. Peace be to you. And I really mean it.
@Pinoy Gay Guy Confidential thanks so much. I am trying... :D
@Anonymous thank you. hugs.
Post a Comment