Masakit ang ulo ko pagkagising.
Umikot ako sa kama, pagtingin ko sa bintana kong pagkalaki-laki, mataas na ang araw. Syet, late na naman ako. I turned to my side. Nakasarado ang laptop sa tabi ko. Nakapatong ang earphones na nakakabit pa. Pumikit ako at may pilit na inalala. Naramdaman ko bumilis ang tibok ng puso ko. I took a deep breath. Naupo ako sa gilid ng kama. Pupungay pungay pa ang mata ko nang buksan ko ang laptop. I typed in the password. Natulala ako ako sa nakita. Nawala ang antok ko. Napatigil ng paghinga. Nanlaki ang mata sa aking nabasa. Totoo nga pala. Nangyari pala talaga. Totoo lahat. Hindi yata ako nananaginip. Napangiti ako. Nagdasal saglit. Nagpasalamat. Malakas talaga ko sa'yo Bro, naks.
Napaisip ako ulit - gusto ko na lang tumawag sa opisina at mag-sick leave. I'm sick kaya, yaya! Pumunta ko banyo. Juminggel. Nanginig. Tiningnan ang sarili ko sa salamin. "Hello gorgeous!, ang bati ko sa sarili ko. Nagtoothbrush. Nagcontacts. Mabagal ang ikot ng mundo ko, masakit ang ulo ko e. Pero bakit parang masaya ako. Napaisip. Ah si ano kasi... saka si ano... and of course, si ano... San ka pa? Tapos si ano pa... saka si ano... saka si ano... pero ang pinakamahalaga sa lahat... bukas na lang - may meeting na kasi ako.
Pero pala, may hindi ako maintindihan - on the way to work eto ang tumatakbo sa isip ko, tama ba to?
Ang tigas talaga ng ulo ko. Good morning.

1 stamps:
Wow! Ang talap talap naman ni khoyang! Ahihi! Inggitera!
Post a Comment