* Email: tristantales@gmail.com * YM: tristantan28 * Phone: +1 202 596 1 POK (765) * Skype: tristantales *

Sunday, August 9, 2009

Isang Taon ni Tristan Tan (Last)

Naubos na ang sugar sa katawan ko the last three posts so this post is designed to be a little more tamed than the first three. Ito na ang katapusan ng one year extravaganza ko the last few days. This is it. This is really is it.

Sa totoo lang, noong nagsimula ako, hindi ko akalain na madaming magbabasa sa sinusulat ko. Hindi ko nga alam na madami pala na magkakaroon ng interest sa buhay ko. Pero dahil nagsimula akong magsulat ng kapokpokan ko sa buhay, madami palang manyak online. At dahil sa inyo, dumami ang hits ko. Ibang level na ito. Pero lahat ng ito ay planado. Alam kong sisikat ako dahil I was born to shine. LOL.

But seriously, I have always considerd my life as plain based on my personal standards. Hindi sya as controversial Kris Aquino's life. Walang masyadong drama - no need for nasty wedding cancellations, emotional coming out scenes with friends and family. Walang ganun. Ang medyo pang telenovela lang sa buhay ko eh ang lovelife ko. Kaya naman siguro, doon ako nagfocus. Todo bigay, walang kyeme.

But in the recent years, I have come to realize, based on how other people reacted to my stories, that I actually live a very exciting life pala. I have never been the type of person kasi who bases his happiness on what other people have in their lives. Sa kin kasi, I strive to do everything for my own happiness. Hindi kasi ako natural na inggitero. I do things that I like doing not because other people do the same things. Although, I must admit, napabili ako ni Frankie (anak ni Ate Shawie) ng chicken McDo when I first watched her commercial. Nabebentahan ako ng commercial pero I think that's the extent that I do want what other people have. Anyway, dahil exciting pala ang buhay ko, magsusulat pa ako. Abangan nyo.

Pero bago yun, kwento ko muna. Magmomoment muna ako. Alam nyo kasi, every night, before I go to sleep, I pray to the heavens for peace of mind; for happiness; for contentment. And sometimes, I also include a P.S. - na kung pwede lang, kung hindi naman sobrang abuso na, baka pwede Nyang madagdagan ng true love and happily ever after ang package ko. I am now at the point in my life that I do wish for something more real, more concrete, more long-term. Pero hindi naman ako magrereklamo kung hindi dumating - hindi masyado. I may have already resigned myself to the fact that some people might not be built for love. Isa na siguro ako sa kanila. But there's no harm in trying, di ba?

And speaking of love pala, sa dalawang taong minahal ko noong nakaraan taon, sinubukan kong magsimula ulit. Sinubukan kong ipakita kung sino at kung ano at kaya kong ibigay. Sinubukan kong magbago. Sinubukan. Pero sadya yatang nakakatawa ang destiny ko - instead na bigyan ako ng true love na may happily ever after, ibinigay sa kanila pero para sa iba. Kakaloka ka destiny! Makikitawa na nga lang ako. Pero dahil fair si Lord, binigyan naman ako ng magandang trabaho, pagkakataon makaalis ng bansa at makakilala ng mas madami pang iba. Thank you na din po na lang ang kaya kong isagot. Hindi naman ako mahirap i-please.

And now, moving forward, I have come to realize that there's no sense in holding on. Ginawa ko na lahat ng kaya kong magawa para maging masaya sa aspetong yun. I think I have done all that I could with those two - some relationships are just meant to end; some are just not meant to happen, period. So ngayon, I am now looking into the future (parang manghuhula lang) and let these people be. I guess this is the mature way of dealing with love. If you love them, let them go and trust me, they will never come back. Tapos na talaga yun. Gising na (sabi ko nga kay Doc Mike Pogi, wake up baby!). Pero sana lang talaga maging ultra super duper mega long ang maturity ko. Pagdadasal ko.

Isang malalim na buntong hininga muna. Sabay tayo, inhale... exhale. Kasabay din nito ang isang matinding panalangin na sana, mas maging mabait sa kin ang langit at padalhan ako ng poging boyfriend na jock na between 25 and 30, may matinong trabaho, walang girlfriend o boyfriend, hindi ikakasal at walang hang ups sa buhay na mamahalin ako ng bonggang bongga. Sana din po top na malaki titi at may bayag. Hindi naman ako specific di ba?

At sa wish na yan magtatapos ang Year 1 ng Tristan Tales.

Mula sa akin, para sa inyo, isang malaking thank you mga bakla!!! At para sa kin, isa naman malaking GOODLUCK! Sabay sabay tayo... GOODLUCK TRISTAN TAN!

Tomorrow, I'm back to regular programming. Yun na.


3 stamps:

joelmcvie said...

Dapat SMART ka: specific (yun na!), measureable (in inches or meters, bongga!), attainable (okay, meron naman siguro diyan, ano? you're not in the Sahara), realistic (as I said, you're not in the Sahara--although your news about the scarcity of tops there bothers me), and time-bound (ay! pagdating sa boyz, ito ang di mo ma-control).

migs, the manila gay guy said...

Mare, panalo ka.

Panalo ang kuwento mo. Panalo ang panulat mo. Sige sulat pa. Kailangan ng blogosphere ng mga taong tunay na marunong magkuwento. Isa ka sa mga yun.

At huwag kaliligtaan, panalo ang reflection at pagmumuni-muni mo, bakla. Ganyan nga. Itodo ang self-awareness. Para pasulong ang buhay, at hindi pasadsad.

Sumaiyo ang bonggang-bonggang hinaharap. Deserve mo yan, teh.

Migs

the geek said...

amen, mgg.

isang malaking pagtitipon ang naghihintay pagbalik mo..hahaha

we want more, tristan!