* Email: tristantales@gmail.com * YM: tristantan28 * Phone: +1 202 596 1 POK (765) * Skype: tristantales *

Saturday, August 8, 2009

Isang Taon ni Tristan Tan (3)

After a few hours of sleep, gising na gising na ulit ako. Grabeng anniversary effort na talaga ito. PERO pansin ko lang, no comment kayo lahat ha - basa naman kayo ng basa. Ano ba!?! Anyway highway, just when you think that the best is over (o take note, best ah, hindi good enough - che!), hindi pa. Eto na sya. Usapang crush naman. Game na!

Dahil talandi talaga akong tunay at sadyang mapagmahal, mahilig ako mainlove. Pero syempre hindi naman love yun. Pretending lang, parang mga bakla lang, pretending. Anyway, crush crush lang naman. Sabi nga "it's just a little crush..." Ayan kumakanta na naman ako eh ka-aga-aga. Hikab. So dahil attraction-related ang third part ng post na to, ilalabas ko na ang listahan ng mga taong minahal/pinagnasaaan ko online. Hindi nila alam na mahal/binastos ko sila for a while. Ako din, hindi ko alam. Pag wala ka sa listahan, wag magtampo. Pwede ka pang humabol.

My first online crush was Chronicles of E. I remember having a crush on him before we met. Sounds family? Well my dear readers, historical ito. At hindi nya alam. Now he knows. LOL. In fairness to E, because his blog topics are quite sensitive, he is a total mystery. Eh mahilig ako sa mga mysterious-type. Sakit sa ulo ng blog nito - I had to chart his family tree mula kay cousin, kay mom and dad at sa kumare ng pinsan ng tyahin nya. Para pag nag-meet the family ako eh close agad. But seriously, I liked his writing style - totoo - talaga naman po na nararamdaman mo lahat ng emotions dahil sagad na sagad pati itlog. Kinakabog ang drama ng madaming tao sa tabi tabi na good enough lang. Che. Take note, si E noon eh dila lang ang banner. Hindi pa nya dila yun. I had a crush on a tongue for the longest time. Dila pa lang, emo na! That was until we met, napa-IN FAIRNESS talaga ako ng bonggang bongga. Napasayaw tuloy ako sa Bed ng walang pakundangan. Pero hanggang dun lang yun. Tama na baka kiligin pa ko. LOL.

Kinaya din ng powers ko ang sillouhette affairs. Madaming ganyan online - I had a crush on the late Mugen-blue in the dark, before he saw me cry. Imagine, pa-mysterious effect ang lolo nyo. Pero dahil wala na sya online dahil sa sarili nyang lovelife reasons, eh hindi na nya malalaman na minsan, isang panahon, kinabog nya ang mundo ko. Mare, kung nababasa mo ito, marunong ka pa din magbasa. Ang galing mo. Balik ka na. Tsup. Ay teka, alam nyo ba na ang ganda din ng boses nito. Di ba, di ba ___________? LOL.

Minahal ko din ang pwet ni Cliche Closet only to later find out that he was just all that. In fairness talaga, ayoko nang pag-usapan. Sumalangit nawa. At speaking of likods, sino ba naman ang makakamiss ng napakagandang likod ng isang Lukayo. Sumalangit nawa din. Napa-OMG talaga ako nang makita ko ang likod nya sa Bora. Hindi ko naman sya binabasa dati kaso dahil talagang lumelevel sa ka-showbizan ang buhay nila nun ng Ulan, hindi ko napigilan na maging chismoso at makibasa. At nung humarap, nag-rosaryo talaga ako. Kelan kaya to magpapakita sa kin? Psst, pogi... LOL.

May mga tao na ayaw patawag ng pogi at gwapo. Eto naman si Jaycee, ang trip eh CUTE lang daw sya. Eh in fairness, pasok sa banga - gwapo. Nakilala ko to before I even read his blog. At eto, ngayon ko lang aaminin ah, he took my breath away. Naks. Ang gwapong bata, in fairness. Eh dahil mahilig ako sa pogi, ayun crush agad. Sya lang ata ang hindi ko nakuha ang number bago matapos ang gabi. Hindi ko kinaya, na-chicken ako. Anyway, dahil matalinong bata, marunong magkusa. We eventually hung out. And take note, happy na kong tingnan lang sya. Bait pa, may paka-manyak nga lang. Nung nakita ko pala ang blog nya, may mukha... pero mata lang at tenga... saka tyan - may tyan parang bangus lang. Labyu Apple.

Minahal ko din ang legs ni Back in the Closet. Mare, legs lang ah. Napatibok din ng kili-kili ni Popoy; ng braso ng Corporate Closet; ng bonggang bonggang katawan ni Boy Du Jour, ipin ni Doc Mike Pogi; didbib ng Rude Boy; at ni DATS (yun na) ang puso ko.

At para mas lalong maging controversial ang blog post na ito. May aaminin ako - for some time, I had the greatest crush on Maxwell's one by one full body with matching talikod, body pic. Naunahan lang ako ng balikat ni Jay Vee. Pinangalanan ko daw ba talaga. Kaya nyo?

Kaya, HINDI BAGO SA KIN MAIN-LABABO SA BODY PART. So the a-ultimate lesson learned ko last year eh:

"Bawal nang mainlove sa body part."

Pero mga friends, family and countrymen, may exception. Pwedeng mainlove sa BAYAG. I am allowing myself to fall in love with balls, dahil that, even by itself, is already admirable. Kasi kahit na super duper, best, a-ultimate, at perfect ka pa (at hindi lang good enough) at kumpleto ang body part tapos wala ka naman bayag eh hindi ka talaga lalake. At kung hindi ka lalake, hindi ka bakla. Yun na.



9 stamps:

Turismoboi said...

happy anniversary keep on blogging!

the geek said...

i told you to remember what mgg said...

happy 1st, tristan tales!!!

parang kailan lang...

Pinoy Gay Guy Confidential said...

Happy anniversary!!!

Don't worry maglalagay rin me ng body part in due time.... Dedicated sa iyo... :D

Atom said...

collectors item ba ang body parts nyang mga crushes mo? sa pagsusuma tutal nila nakabuo ka na ng isang buong tao!!! hehe

Herbs D. said...

omg. napaka....eye-opening ang drama. i love the fierceness daddy tristy. kakalerki. <3 u

Yj said...

copy paste ko nga yang last paragraph sa status ko sa facebuk... bwahahahahaha

SAM said...

Whew! What a year, wasn't it? There's a quote that says "time is the fire that burns us all." That fire - apparent in your entries; in them are reflected our collective happiness and pain. And dreams! Happy First Year. Keep on writing.

PinoyPoz said...

Hahaha, ano baaaaa! Na-extra pa ako... My legs shall curtsy before you... Or should I squeeze you between them? Wrestling ito. Hehehe. Happy anniv!

Amonymous said...

Hay, ako rin I have a big crush on Mugen. When he went offline parang nakipag-break lang ako sa isang jowa. Hay...

Keep on writing Tristan. Hindi kita crush. Love kita. Hehe