Susubukan ko na lang isulat, baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko para makatulog ng maayos bago ang trabaho ilang oras mula ngayon. Kailangan ko lang mailabas ito. Kailangan ko itong iputok dahil kung hindi baka mapuyat ako ng husto. Kailangan pagputok lampas sa noo for maximum impact. Kukuha muna ko ng tissue para pag nag-emote ako eh game na game na, teka.
Malungkot ang usapan natin. Madrama. Alam natin may mangyayari but it's just so easy for us to brush it aside and gloss things with jokes and side comments. Mahirap iwasan ang katotohanan. At ito ang masaklap. Ang hirap kasi sa tin, parehong matigas ulo natin. Stubborn sobra. At dahil dyan, pareho natin ikababagsak yan. Jusko, kung test ito, matagal na tayong repeater. Yun nga lang, mas malakas ang loob kong maghamon ng deretsong usapan.
Ang mahirap kasi, madaming epal sa mundo. Madaming nagmamaganda eh hindi naman kagandahan. Pero hindi yun ang tunay na problema - kasi ganito yun - hindi tayo marunong makinig sa kwento ng matatanda. Ilang beses na kasing ipinaliwanag sa atin na wag na dapat ipilit ang mga bagay na wala na talagang pag-asa pero dahil sadyang masakit tayo sa bangs, eh ang kulit para tayong titi na nagsusumiksik sa pwet. Panalo.
Pero kasi 'pre, pagod na ko sa madramang buhay. Ayaw ko na. Sabi nga ni Sam Milby, "ayowkow..." kasi naman OA na no. Lahat na ata ng angle kinareer na natin - kulang na lang eh may isang mabyuda. Hindi na funny. So I am calling it quits. Tama na. Hindi na tamang kumanta ng "I was wrong when I hurt you, did you have to hurt me too?" at lalong lalong tigilan na ang "muling ibalik ang tamis ng pag-ibig...". Isang malaking esmyusmee.
So tama na. Kung pwede nga lang kalembangin ko na ang utak mo, matagal ko nang ginawa. Kasi naman - ay naku. Isa kang malaking che! Alam ko paggising ko after a few hours, iba na naman ang takbo ng buhay ko at lalong iba na din ang takbo ng buhay mo. Parang wala na naman nangyari - pero malaki ka na. Malaki na din ako. So magdesisyon ka na at ako naman eh magda-diet, malaki na ko e. Ha ha. I am confident that you'll get through this - you have the support that you need. Tandaan mo lang, na pag may sinabi sila sa yo, umasa ka madalas yun eh mali. Baliktarin mo, yun ang tama. Wag masyadong uto uto.
I'll definitely miss you, araw-araw, pero alam ko kasi ito ang tamang gawin natin - para sa yo, para sa kin at para sa ting dalawa. Magkikita pa din naman tayo... manalig ka. Mahirap naman kasi tayo magkalimutan, alam na natin yan. Kaya kahit na may magalit pa ng bonggang bongga, mahal kita, kahit na aanga-anga ka. Yun na.

2 stamps:
Hay. Our stories and the themes that move in concentric circles across all our lives... Sobrang makulay. Kadalasan malungkot. Pero hindi maitatatwang palaging maganda. Tahan na. Maganda ka naman (kahit di pa tayo nagkikita). ☺
ganito ba ang pag-ibig? kung gayon ayaw ko nang maranasan magmahal. chika lang.
;)
Post a Comment