Mahal kita kasi ang cute mong ngumiti, para kang totoy. Mahal kita kasi marunong kang umunawa. Mahal kita kasi mahaba ang pasensya mo sa isang childish na katulad ko. Mahal kita kasi, komportable ako pag kasama kita. Tanggap mo kung sino ako at kung ano ako. At higit sa lahat, mahal kita kasi nararamdaman kong hindi tayo naglolokohan…
Tulad ngayon, nasa malayo ako. Trabaho na naman. Gusto ko isipin na naiintindihan mo ako kahit mahirap para sayo. Salamat. Alam ko marami pa akong pagkukulang. Alam kong hindi ako masyado sweet. Alam kong hindi ako expressive. Mahilig akong mag-I love you pero alam ko din na hindi naman yun enough. Alam kong mas gusto mong maramdaman kaysa madinig lang yun. Pero higit sa lahat, alam ko din na naiintindihan mo na, sa tulad natin na madalas magkalayo, yun lang ang paraan ko para sabihin na mahal kita.
Siguro akala mo, hindi ko pansin na hindi ka naman talaga masaya sa kin. Minsan nga naiinis ako sa sarili ko, sa pagkakataon, sa oras ko sa trabaho - kung pwede lang talagang habaan ang oras ko. Pero sana maintindihan mo din sana na pinipilit ko na kahit gaano pa ko kapagod na tawagan ka, na makita ka. Sorry kasi hindi na kita masundo sa trabaho, sa bahay kahit gustuhin ko. Pasensya ka na kung hindi man lang tayo nakakalabas. Babawi ako, pangako yan.
Sana lang, sana habaan mo pa ang pang-unawa. Sana hindi ka mapagod sa akin. Sana hindi ka magsawa sa kabaliwan ko. Sana mahalin mo pa ako ng matagal dahil ang alam ko, masaya ako ngayon sa yo. Ang nararamdaman ko, mahal kita at yun ang totoo.
Tristan
November 9, 2003
Blogger's Note: I wrote the above letter almost six years ago - I think I did. While I was reading this earlier, I tried to remember who I wrote this for and I, for some reason, honestly can't remember. Seriously. Anyway, this quote also came with the letter. I can't remember why it's there. Obviously, I am also uncertain who wrote it.
“It’s hard to believe, after all that we’ve been through. Time and chance won’t allow us to be lovers. It’s funny and it’s sad, now you have to go away, leaving me with nothing but a song to sing. When I’m lonely and all alone, I will hymn the music that we’ve once played. When you’re nowhere to be found, I’ll just close my eyes and hear the whisper of the memories, we once shared as friends. And that would be enough to remind me of the song you taught me to sing, the song in my heart.”
It seems that, much like the above letter, everything that I have written in this blog - all the love letters, bitter posts and everything in between - will all just be words after a few years. The love will disappear, the pain will be forgotten and everything else in between will all be memories of days gone by. There is still hope. Selective amnesia is possible.

4 stamps:
hello there, elizabeth barrett browning. "how do i love thee? let me count the ways..."
akala ko pa naman, in love ka na naman. 2003 pa pala at hindi mo na maalala kung para kanino yan.
itago mo yang sulat. pwede pang ma-recycle yan. hehe! :)
Damn it!i like this post..I love it
Ayt!Selective amnesia..:)
Kunsabagay... nung nangibang bansa ako bumili din ako ng notebook (Mead na wide-ruled kse ang Moleskine masyadong dikit dikit ang mga linya) tapos sumulat ako ng pagkadami daming letter sa kung kani-kanino. Syempre hindi ko pnadala lahat. Wala pa kseng blog nun... pero may Internet na kaya lang puro porn pa lang ang laman...
hala may ganyan din akong moments. mga bitter bitteran at inlove inlovean na journal entries.. di ko na rin maalala haha
Post a Comment