* Email: tristantales@gmail.com * YM: tristantan28 * Phone: +1 202 596 1 POK (765) * Skype: tristantales *

Friday, August 14, 2009

Twisted Thoughts

Kumapit kayo.

Kanina pauwi ako galing trabaho, nakatayo ako sa loob ng tren. Punuan na kasi. Rush hour na. Siksikan na talaga pero nagawa ko naman makahanap ng magandang pwesto. Inilabas ko ang ipod ko at inayos ang earphones. Nagpatugtog ako. Umandar ang tren. Kumapit ako. Bumilis ang andar ng tren. Huminga ako ng malalim at bumulong sa sarili ko, "sa wakas makakauwi na din ako...".

Tumigil ang sasakyan. Bumukas ang pinto. Pumasok sya at ang mga kasama nya. Naka-green sya na tank top. Ang gandang babae. Walang bra. At kitang kita mo ang bakat ng boobs nya. Napatingin ako. Umandar ulit ang tren. Nakita ko syang kumapit sa poste sa loob ng sasakyan tila ba humahanap ng balanse. She had a small bag on her right arm. When she finally found her balance, she fixed her hair. Maiksi ang buhok nyang itim, hanggang balikat lang at derechong derecho. Makintab. Amputi nung babae - maputi pati kili-kili at pantay ang kulay. Ang kinis ng balat. Nagpanggap akong may hinahanap pero sa totoo lang, sya ang tinitingnan ko.

Sumulyap sulyap ako muli. Hindi ko maintindihan kung ano ang pumasok sa isip ko pero hindi ko maalis sa isip ko na tingnan sya at humanga mula sa kinatatayuan ko. Kahit anong control ko, lagi akong napapatingin sa kanya lalo na sa boobs - yung arko ng boobs sa may bandang kili-kili. Wala talagang bra. Napalunok ako. Ang ganda. I think she's Greek. Nagtama ang mga mata namin. She looked at me for a second and gave a half-smile. Napahiya ako. I smiled back but immediately looked the other way. Kinuha ko ang ipod sa bulsa at kunyaring nagpalit ng kanta. Napamura ako ng pabulong. Kelangan pigilan ko ang sarili ko. Nakakahiyang tumingin ulit.

Pero matigas ang ulo ko. Pag may pagkakataon, binabalikan ko sya ng tingin. Minsan lang ako magandahan sa babae at isa na to sa mga pagkakataon na yun. May naramdaman ako. May ginusto akong gawin. May na-imagine. May gumalaw. May tumigas. Napamura na naman ako. Huminga ako ng malalim. May inayos. Pumikit ako sandali. Nagfocus ako sa kanta. Tumigil ulit ang tren. Bumukas ang pinto. Pagmulat ko, magkaharap na kami ng babae. Dumami na ang pasahero. Siksikan na talaga.

Hindi ko na kinaya. Kailangan ko ng control. I took a step back dahil alam kong kung hindi ko gagawin yun, baka madakma ko bigla ang boobs nya. Kinakabahan ako. Naalala ko ang pakiramdam ng ganun. Ibinalik ako sa panahon na "normal" pa ang buhay ko. Tumingin ako sa malayo, Naghanap ng ibang mapaglilibangan pero wala - ang isip ko ay nasa babaeng maganda sa harapan ko. Nagbago ang pakiramdam ko. Parang biglang kaya ko nang gawin kahit ano. Parang tama ang mga nangyayari. Parang sinasadya ng langit ang lahat.

Isa pang malalim na hinga pa. Pumikit ako. Sa muling pagmulat ng mata ko, andun pa din ang napakandang babae sa harap ko. Wala pa din syang bra. Sa saglit kong pagpikit naisip kong magbagong buhay - mamuhay ng gaya ng inaasahan ng mga magulang ko. I had thought of going straight. I felt I had everything under control.

Lumabas ang tren sa tunnel, nakita ko muli ang araw. Tiningnan kong muli ang babae. Pinagmasdan ang kanyang katawan. Inisip ang mga nangyari. I looked pass her. Napatawa ako. Mas masarap pala ang boyfriend nya.

Yun na.


11 stamps:

the geek said...

guys and gays, let's look for tristan. mukhang nawawala eh..or baka may sinsaniban lang?

maguguho na ba ang mundo?

kumapit na tayo...

Aris said...

i am sure, "pagdating ng panahon" ni aiza ang pinakikinggan mo sa ipod mo! :)

sunny said...

hehehehee! nice ending....control lang

rudeboy said...

Well, paminsan-minsan, masarap din tumikim ng ibang putahe. Kahit paborito ko ang carne norte, nakakaumay din kaya kailangan every so often titikim ka naman ng seafood.

Pero ang paborito, hindi mo talaga iiwanan. Sarap balik-balikan. Para lang McDo.

Doc Mike said...

"Amputi nung babae - maputi pati kili-kili at pantay ang kulay." -Susko, Bibi, pagkabasa ko pa lang dyan eh bakla ka pa din para sa akin noh! LOL!

Akala ko tuluyan na ang Apocalypse! haha!

ash said...

i think this is a case of chronic caffience deficiency. :)

Nhil said...

Laugh trip yung ending! hahaha

Emotionally Sloppy said...

"Ang gandang babae. Walang bra." napatigil akong magbasa and had to check kung Tristan Tales ba talaga ang binabasa ko...napa OMG ako but.... nice ending. =)

Anonymous said...

hala ka lagot ka! tomboy ka na !

hehehe.

raindarwin

aik said...

love this hahahaha

xtian1978ii said...

hindi naman problema 'yun. may mga tao talaga na ganyan. ako ok lang ka akin kung ano man. mas exciting lang 'yung same kase anytime pwede ka mahuli hahaha.

Dami naman adventures dyan