* Email: tristantales@gmail.com * YM: tristantan28 * Phone: +1 202 596 1 POK (765) * Skype: tristantales *

Thursday, August 20, 2009

You're a Star!

"Tristan, you're a star!", ang bati sa kin ng isang katrabaho matapos ko syang tulungan sa ginagawa nya.

Napangiti ako at nagpasalamat.

I was ready to forget that "incident" (incident talaga!) but it happened again.
"Tristan, you're a star!", ang sabi sa kin ng isa pang tao sa instant messaging.


Napakunot ang noo ko.

"Taena mga to, niloloko ata ako..."


Then napaisip ako - kalevel kaya ito ng meaningless "how are you doing?" nila makakasalubong ko sila sa corridor? Baka nga.

Pero kanina, pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko para sa isa pang grupo, dalawa sa kanila ang lumapit sa kin at nagsabi sa kin na... guess what?

"Tristan, you're a star!"


Sabi sa inyo, napatulala ako at hindi ko napigilan ang sarili ko. Napahagalpak ako ng tawa. Medyo na-confuse ata sila sa reaction ko pero yung isa, hindi pa yata nakuntentong mambola, may matching hug at beso pa. French beso, both cheeks habang paulit ulit, star daw ako. Panalo di ba? Pero deep inside, I felt harassed pinagbibintangan akong star? May star ba ako sa noo? Wala naman.

Isang malaking buntong hininga na lang.

"Eto nga yata ang sinasabi nila... I can't have it all."



Ang nakakapikon kasi, hindi naman ako star, diva ako, diva!


Blogger's Note: Pagkatapos ng huling incident na yun, lahat ng taong makasalubong ko sa opisina eh sinasabihan ko din, "_____, you're a star!". Sakit sa ulo. Ha ha.

9 stamps:

Turismoboi said...

you're a ztar parang kinder lang hahahhaaha! joke!

~Carrie~ said...

Hahaha! "Ang nakakapikon kasi, hindi naman ako star, diva ako, diva!" Quote of the day!

Aris said...

basta maniwala ka lang, mare. istariray ka! :)

Mac Callister said...

ipagsigawan mo nalang sa kanila na diva ka!hehe

Herbs D. said...

Daddy, you're a starrrrrrr!! hahahaha. they're just affirmong your stardom me thinks :-p

The Demigoddess said...

Huh? Bakit star? Dapat you're the "universe" pero that won't sound as cool.

Emotionally Sloppy said...

maapit lapit na ang halloween baka mag party kayo.. so alam mo na ang costume mo. STAR!!!

Yj said...

gurl mabuti na yan... kesa naman tawagin kang STARLET hahahahaaha

Xavier Randol said...

hehe! what a nice pet peeves! ;-] i mean palayaw ;-]