Napaiyak na naman ako.
Kasi naman. Lagi na lang. Bakit kasi.
Hindi ka na natuto.
May nagsabi na sa kin dati. Paulit-ulit lang daw.
Ayan ka na naman. Naniniwala ka dun?
Umayos ka kasi.
Bakit mo ba ginagawa yan?
Sige husgahan nyo 'ko. Pakialam ko?
Wala naman mawawala sa kin.
Magalit kayo. Mandiri. Matakot. Umiwas. Magtago.
Ok lang yan. Sanay na ko.
Kaya ko mag-isa. Ako lang. Wala nang iba.
Sa totoo lang naman, wala naman kasi totoo.
Lahat peke. Plastik. Puro pangako.
Pangakong napako.
Ayan tumutulo na naman. Hindi ko mapigilan.
Masama loob ko e.
Masakit ba? Tama na. Tigil na. Gising na.
Ayan. Ayan na naman.
Tumutulo pa din.
Araw araw. Gabi gabi.
Habang naglalakad. Pauwi. Kahit naliligo. Sa pagktabo.
Hindi nila alam. Hindi kailangan malaman.
Araw araw. Gabi gabi.
Pinipilit lumimot. Gusto ng bagong buhay.
Binalik ang dati. Kulang pa din. Dagdagan natin.
Paulit-ulit nga. Tama sila.
Pokpok daw ako. Oo naman, masarap ako eh.
Kasalanan mo. Yan ang pakilala mo.
Sa kanya. Sa kanila. Sa iba.
Ayan kasi. Ano. Ikaw naman kasi.
Pagod na ko. Ayoko na. Masakit na.
Tigil na. Tahan na. Kaya mo yan.
Ang totoo, hindi nyo ko kilala.
Oo tama ka. Hindi ka lang nila kilala. Malas nila.

6 stamps:
uwi ka na dito at ng may yumakap sayo.
Hay naku. I believe people never really realize that there's a real You that a lot do not see. Hindi nila natutunan sa school yung Johari Window. =)
I always know you as a strong person. You taught me to become one.
Kaya mo yan. :)
we just have to know the person before throwing out something...
hardcore emo! hehehe
hugsies teh...
for a moment kala ko mga Pinoy Politicians tinutukoy mo bwahahahahaha...
smile ka na....
Well, I guess I blew it up big time...all I ask is for you to give me another chance to be your friend more than anything.... lupit mo bro....for some reason, di ko alam kung bakit kita na mi miss :-(...Anyway, I guess I have to rest my case and give up...good luck and Im really sorry...
Post a Comment