* Email: tristantales@gmail.com * YM: tristantan28 * Phone: +1 202 596 1 POK (765) * Skype: tristantales *

Sunday, December 27, 2009

Tapos Na Ang Pasko

Tapos na ang Pasko pero hindi ko na-publish ang bonggang bonggang Christmas post ko. Bakit kamo? Emo. Yes, emo kasi and I do not wish to post something emo on Christmas day - dahil hindi naman talaga ganung kalungkot ang pasko ko. So yun, the supposed to be emo post ko, deleted and now gone forever.

Madami nagtatanong, kamusta daw ang Christmas ko. Ang sagot ko, "Ok lang..." pero parang hindi ata na-convince ang mga utaw, so sige na nga eto na ang tamang sagot ko. "Puting Pasko". Yes, white ang Christmas ng lolo nyo dahil sa snow na pumatak err... bumagsak dito. Snowy... in other words, malamig - oo, malamig na malamig ang pasko ng lolo nyo. Sa sobrang lamig, tumayo ng husto ang nipples ko.

Logically, pag malamig, kelangan magpainit - pero not for me. Hindi na ko naghanap ng magpapainit ng Pasko, masaya na ko kahit medyo emo. Nanahimik na lang ako sa isang sulok ng kwarto habang kumakanta ng "Sana Ngayong Pasko...". Promise, humaba man ang ilong ko, super linis na ko. Haha.

So anong ginawa ko? I spent Christmas with friends. For the first time kasi, malayo ako sa pamilya ko. Moment kung moment ito! Before the clock hit midnight in Manila, mega-connect muna ang lolo nyo sa pamilyang Pilipino - yes, I was on the phone at dahil level OFW na ito, tinodo ko na - nagwebcam din ako. Parang si Angel Locsin lang sa "Love Me Again".

Sa totoo lang, muntikan na kong mapahagulhol when I saw my family on the monitor. Pero dahil likas na plastik ang lolo nyo, pinigilan ko. Bawal mahalata ang emo at hindi pwedeng maiyak sa harap ng family, maiiyak din kasi ang nanay at tatay ko. Pero dahil epal ang nanay ko, tinanong ba naman ako, "Anak, masaya ka ba ngayong Pasko?". Kumunot ang noo ko at sinabing "Inay, pupunta muna ko ng banyo.." Sabay hilamos. Haha.

Malungkot talaga ang mag-isa sa pasko pero sabi naman ng ninong ko na nagparamdam muli after so many years, ganun daw talaga... wala daw forever sa pamilya... you can't be together forever. Naimpress ako. Rational pala ang ninong ko - ang ninong kong puro payo, wala naman regalo! Muntik lang ako mapakanta habang kausap sya. Together Forever daw, juskoday!

Hearing what Ninong had to say made me wonder, kung sa pamilya walang forever, sa lovelife kaya, meron? Is forever too far away? Well, dahil hopeless romantic ang drama ng lolo nyo these days, ang paniniwala ko, may forever pa din at happily ever after. Inaantay ko lang. Malapit na. Ayan na. Lalabas na. Ilang tulog na lang...

Yes, mga readers, ilang tulog na lang ay makikilala ko na... mata sa mata, ilong sa ilong, harapan - makikilala ko na ang potential lolo nyo. Potential lang kasi wala daw expectations - ang showbiz ano! Pero malay natin, who knows? Bahala na si Batman. Pikit mata at isang matindihang panalangin para sa magic. Ang tanging pangako sa isa't-isa ay ang magpakita. Right now, ang alam ko lang at kagaya nga ng sabi ko sa kanya sa telepono, hindi ako nahihiyang aminin na excited na ko.

Sa susunod na ang kadugtong ng post kong to... sa Bagong Taon! But, before I forget, isang matinding pasasalamat sa lahat ng bumati ng bonggang bongga sa lolo nyo. Alam nyo na kung sino kayo. Dahil dyan, isang Sandara wave ang bigay ko sa inyo, kasabay ng isang bonggang bonggang "mahal ko kayow...".

Tapos na ang Pasko, bawal na ang emo.


7 stamps:

♥ ruby ♥ said...

Didn't you get the memo? Emo is the IN thing for the lonesome during the holidays. Hehe.

Te, maligayang pasko at manigong bagong taon sayo. :D

ArchieMD said...

putukan na bitch!

Anonymous said...

Awwww, tama na ang emo kuya kasi dito lang naman ako lagi sa likod mo............naked and ready nyahaha

Tristan Tan said...

@Ruby may memo pala!?! Haha. Happy New Year, my dear. Mwah.

@Archie MD yes, putukan na.

@Anonymous Kuya, sabi ko na nga ba, pinagnanasaan mo lang ako. LOL.

Darc Diarist said...

ooh, i'll pray for that magic to hreally happen! :D

iurico said...

"Hearing what Ninong had to say made me wonder, kung sa pamilya walang forever, sa lovelife kaya, meron? "

Haaaaay marami na akong kilala na sobrang cynical na sa pag-ibig.

I hope yours turn out swell though. Happy new year and happy lovelife.

caloy said...

oks lang mag-emo sa pasko. di naman maiiwasan lalo na kung malayo sa pamilya. happy new year! :D