* Email: tristantales@gmail.com * YM: tristantan28 * Phone: +1 202 596 1 POK (765) * Skype: tristantales *

Friday, January 15, 2010

Good Morning

Magmomoment sana ako ulit this morning pagdating sa office - at least that was the plan kasi maskipaps (maski papano) nalulungkot pa din ako. Nakatulog man ako kagabi, finally, eh paggising ko, parang may mali pa din. Lumingon ako sa side table ko at inabot ang phone - doon ko nakita ang regalo nya... hindi ko pa magamit kasi nasasaktan pa ko pag nakikita ko. Sayang naman pero hindi ko pa kaya eh. Madrama kasi talaga ko. Haha. Pagbangon ko, lumingon ako sa paligid at dinama ang malamig na hangin sa loob ng kwarto.

"Good morning...", bati ko sa hangin na parang nababaliw lang. Haha.

On my way to the office, tahimik lang ako. Ramdam ko na may pagtataka ang isang kaibigan na madalas kong kasabay pumasok. But, I know I have to start somewhere, may closure na ko maskipaps - so I tried to find beauty in the sunny skies, the perfect not-so-cold weather, and yes, how I looked. Maganda ako today... nakaporma, maskipaps ulit - Friday eh. Suot ko ang jacket na suot ko sa New York - may kirot pa din nang pinili kong isuot ang jacket na ito pero kelangan kong magmaganda and it was the most weather-appropriate among all my jackets.

Tumigil ang shuttle sa train station. Ilang minuto lang, nakasakay na ako ng tren. Hindi masyadong masikip ngayon - nakikisama ang tren para pagandahin ang araw ko. Andami din gwapo sa tren - bakit ngayon ko lang sila ulit napansin? Pinilit kong makipagkwentuhan sa kasama ko - kailangan kong maging masaya. Chumika ako ng anything under the sun para sa isang masaya umaga. Kailangan kong tumawa.

I bought myself a venti skimmed no-whipped mocha, gaya ng dati, before coming to work. Dahan dahan akong nagkalad papunta ng opisina. Hindi ko maiwasan isipin na sa parehong daan na yun, minsan naglakad ako kasama sya. Ganun pala talaga. The wind blew on my face. Gininaw ang ilong ko. Malamig pa din ang panahon sa Estados Unidos. Kamusta kaya ang Bora?

Alam ng madami sa inyo na happy place ko ang Bora at doon ako nagpupunta pag kailangan kong maging masaya. I am a beach bum. Masaya ako sa tabing dagat kahit hindi ako marunong lumangoy - kaya nga tabing dagat lang eh. Bora has helped me several times to be happy. Inisip ko kung ano kaya kung nasa Bora ako ngayon, siguro maskipaps, makakalimot ako. Pero wala ako sa Bora and my second happy place is New York. Kamusta naman d ba? Parang may mali lang, di ba? Haha.

Pagdating ko ng opisina, inayos ko ang jacket ko at ilang gamit. Binuksan ang computer at sinimulan magbasa ng emails na dumating overnight. I planned for my entire day and also thought of what I could do tonight - Friday pa naman. Bu-booking na ba ko ulit? Kaya ko na bang makipaglandian sa club? Magtutulog lang ba ako sa bahay? Lahat ng tanong ko, hindi ko nasagot. Parang adik lang. Haha. Sinilip ko ang sarili ko sa salamin na nasa harap ng computer ... nakita ko ang eyebags ko, naluha ako. Shet, pano ba tanggalin to? Haha. Sa gitna ng pagmoment ko, dumating ang boss ko... nakangiti. Kinabahan ako. Pag nakangiti kasi to, may hihingin na urgent pero di naman important. Pang-asar lang ba! Balak ko pa naman maging tamad today pero shempre, mega-smile ulit ako.

"Tristan, how are you?", ang bati ng bruha.

"Hey boss, good morning. How are you?", I greeted her with matching pagkaganda-gandang toothy smile.

Sa likod nya, may napansin akong sumusunod - isang lalaki. He's around 5'11, maputi pero hindi sobrang puti, cropped college-boy hair ang drama nya, matangos ang ilong, mapula ang labi, maganda ang katawan. He seemed to be in his early twenties. Parang studyante pa sa isang ivy league university. He was wearing a light brown sweatshirt na nakita ko na sa Calvin Klein at one point in my life - binalak ko na yun bilhin pero hindi bagay sa kin. Haha. His jeans fitted him perfectly. And he was smiling. Bumilis ang tibok ng puso ko. Lalong bumongga ang ngiti ko.

"Naman Lord, wag naman sana consultant to, kasi hindi ko kaya ang office romance...", bulong ko sa sarili ko.

"Tristan, I'd like you to meet M, my son.", ang pakilala ng boss ko.
Nanginig na naman ang tumbong ko. Haha. Napatayo ako, sabay abot ng kamay kay M,

"Hi, I'm Tristan.", with matching bonggang bonggang smile.
Sa background, nadidinig ko ang boss ko na nagsasalita. She was probably selling my credentials to his son. Pakelam ko. Basta, hindi ko sya naintindihan. Ang alam ko lang, his son and I had our moment. Tumalikod ang boss ko at bumalik sa opisina nya. Nakatingin pa din ako sa anak nya. Before the boy entered the room, he looked at me again and smiled. I tilted my head a little and smiled back - parang commercial lang. Haha.

"Good morning Tristan..." ang bati ng isa pang ka-opisina ko sa kin pagdating nya.

"Well, good morning to you too!", ang bati ko sa kanya sabay ngiti.

Muntik na kong mag-clap my hands.

It was indeed a good morning.

8 stamps:

anteros' dominion said...

at least kilig pepe na ulit ang buhay mo..

mahilig ka pala sa beach...

nasubukan mo na ba ang coron palawan?

mas maganda siya kaysa sa bora..at hindi siya cluttered ng kung anu anong komersyalismo

judas said...

well, that was a kilig moment! hehe too bad it was just that. namiss ko na ang paglalandi mo ah! haha :) anyway wala ako mapagkwentuhan so dito na lang, just recently i was browsing gxcandals and nakatingin pala kuya ko (for a brief second i hope!). wala naman sya sinabi about that, he was busy yapping about our basketball team's training and our teammates so.. hehehehe omg! bakla kapatid nya, kateam nya pa! lol

Aris said...

o, di ba, may rainbow after the rain. kasunod na ang sunshine. have a nice day, mare! :)

~Carrie~ said...

Binalikan ko ang online romance fabcast. Naalala ko na naman ang pagnginig ng tumbong mo. Hehe. It was a good morning indeed! Hope you're having a weeken blast, TT. Cheers to the icon of Internet kilig.

Rygel said...

at ganun ganun lang kinalimutan mo ang bora haha :D

Mike said...

ahahaha! Kaloka ka Bibi!

Ang bilis mag-move-on! Sanayan na ba? hehe.

See you na next month! Hinahanda ko na ang sarili ko pagdating mo. lols!

iurico said...

partida - morning palang yan ha?!

Sayang, nagpahanda pa naman ako ng entertainment for you for Dinagyang Festival in case dumaan ka ng Iloilo on the way to Boracay. Haha

Anonymous said...

nagclap na ulit ang keps mo. okay welcome back!