Now, more than ever, naniniwala na ko na mabuti naman pala akong tao. Without being overly religious or anything, naaliw akong isipin na heaven really takes care of me kasi andaming pinapadala ni Lord para aliwin ako. Nata-touch nga ako sa outpouring of support from old and new friends here and back home. Kahit clueless ang mga utaw, they are making me smile. Without many of them knowing it, they are making my life a whole lot easier. Mahirap kasi talaga ang biglang bagsak - para lang daw nakadrugs ka tapos bigla ka na lang nagcrash pag-alis ng tama. Hindi ko pa nasusubukan magdrugs pero na-equate ko to sa pain killers pag bagong bunot ang ipin, pagtanggal ng effect, bigla na lang syang sasakit tapos mapapaiyak ka na lang.
Kagabi, bago ko matulog at pagkatapos kong tumawa sa bonggang conspiracy ni Lord at ng ipod playlist ko, napaisip ako ng Stages of Grief - denial, anger, bargaining, depression at acceptance. Alam ko dumaan na ko ng denial at anger. Kagabi, dumating na ko sa bargaining at any moment soon, I think I'll reach depression. Juskopo, goodluck na lang sa kin at paubos na ang tissue ko sa bahay.
Bakit ba kasi ako naiiyak? Sa totoo lang ewan ko. Bukod sa pagiging madrama kong tao, gusto ko din lang umiyak. Hobby ko yun e. Haha. I think sooner or later matatapos din to kagaya ng hang ups ko sa namayapang Sekretong Malupit (isa pa tong gagong to - hoy, uuwi na ko magpakita ka na. LOL). Naisip ko din, maganda din umiyak baka sakaling nakakabawas ng weight at cleansing na din to. So cry me a river na lang ako while watching a sappy Filipino movie on dvd. Hindi nga kasi ako makatulog - pero naka 2 hours ako kagabi, trust me kakaiba na to dahil makamasa ako, masandal tulog. Goodluck na lang sa eyebags ko. Mukha na nga ata akong tilapia.
Pero mabalik ako sa Stages of Grief, when I was a lot younger, I went through this with my first ever failed online romance. Yes, nakakailang online romance na ko. Ganun yata talaga ang tunay na malandi. Anyway, noong time na nagmega-heartbreak ako, pabalik-balik lang ako sa denial at anger. Haha. Medyo natagalan ako bago nakarating sa acceptance. It took me a while to move forward. Buti na lang nakalimot ako, sino nga sya ulit? LOL.
Ang bagong discovery ko pala with this experience, masarap at masaya din palang maging self-aware sa feelings, mind you. Dati, hindi ko matanggap na nalulungkot din pala ko. I have always refused to be sad. Pero alam nyo, when the time came na natanggap ko na may capacity pala ko maging malungkot, mas madaling maging masaya. Sabi nga nila, enjoy the feeling kasi only at your lowest can you appreciate the happiest moments. Oo nga naman, may point naman pala.
At speaking of happiest moments, pag naiisip ko nga ang weekend getaway ko na hindi naman kamurahan, naitatanong ko sa sarili ko if it was even worth it. But everytime I look at the pictures that were taken during the trip, I would remember how happy I felt during that time. Every picture had its own story and every story was interconnected. Lahat ng nangyari made that trip one of the happiest, if not the best trip, I've ever done. So yes, it was all worth it. Goodluck na lang sa memories na ito.
Ayan naiiyak na naman ako, nasa office pa naman ako. Tama na nga ang emote.Absent na nga ako kahapon tapos iiyak pa ko sa office - masakit kasi ang ulo ko at di kinaya ng powers ko na pumasok na mukhang tilapia. Mas mahirap kasi magexplain in English. Ngayon, nasa office na ulit ako at smiling ever na naman - parang hindi nagkasakit. How professional. Haha.
Ano ba kasing point ng post na to? Wala lang, gusto ko lang umutot online, gaya ng dati. Kung di mo trip ang ganitong pagsusulat, balik ka lang after a few days, I am sure maiiba na ang takbo ng blog ko. Iniisip ko pa kung lalabas na ang mga pokpok posts ko pero kasi nagbago na nga ako. I've changed. Pero who knows, sa pagbabalik ng rainbow, kasabay nito ang pag-usbong ng katalandian ko.
Ay may mga nagtatanong pala, bakit nga ba daw rainbow? Kasi ganito yun, after the rain usually lumalabas ang rainbow - that at the end of each sad phase in my life, the skies will clear up and the sun will shine thus, the rainbow. Shempre, kasama na dun ang paglandi ko na rainbow din. O d ba, deep?

11 stamps:
as ate vi would put it: it's a blessing in the sky!
:P
sige lang, ok yang rainbow mode :)
hahaha, ansarap-sarap mo basahin, atey! :)
yaan mo na. Mura lang naman ang tissue.
*hugs
i believe you will be fine
thanks nga pala for keeping me in your blog roll
keri lang 'te. sabi nga, at the end of the rainbow is a pot of gold. kung ano man 'yung pot of gold na yun, go forth and discover it.
isipin mo na lang nadapa ka ulet. well, at least sa nu yok ka nadapa. bumangon na lang ulet ng bonggang-bongga.
Sa analogy ng drugs, yeah natumbok mo ang imahen, pero sa case ko, minus the toothache. Yung high na walang hangover. Echalon.
Teh, bongga ka 'day. =)
masayang basahin ang post na ito pero nakalulungkot din. hug na lang kita, mare. :)
parang after reading this post, gusto kong ihug si tristan. nakakalungkot. :(
ganun talaga buhay. MAGULO. LOL
smile lang. there's a rainbow always after the raiiiiiinnn... *singing a phrase from the song rainbow by southborder* hihihi
HUG HUG
relax relax lang..:)
pathetic according to elizabeth kubler ross
Post a Comment